Wednesday, January 28, 2009

Spanish Language in High School?

DepEd plans to resurrect Spanish as part of high school curriculum. Back in my college years, i got a total of 12 units for this subject. It was abolished i think in 1990. Pero ngayon, ilan ilan lang ang alam kong Spanish words, makabuo man ako ng sentence, nakapa simple lang like " Buenas dias", "buenas tardes", at iba pang buenas. Pag nagtanong ka ng oras, "Que hora es mi amigo?" Naks, ibig sabihin nyan "what time is it my friend?"

Sa tingin ko, dapat pag isipan pa ng husto ito bago ipatupad. I consider it as junk subject back in my Mapua days, considering ECE ang course ko. And until now ganun pa rin ang tingin ko. Mababaw ang dahilan ng DepEd na 3 to 4 years from now eh ang Spain daw ay mag oopen ng job opportunities, yung tipong pang-call center. Para bang Spain lang ang magiging pag asa natin at kailangan i-introduce pa ang Spanish language sa eskwela, gaano ba kalaki ang Spain? Maigi pa siguro kung gusto rin lang ng DepED na matuto ng ibang language ang mga batang pinoy, yung wika na lang ng Intsik, tutal may Chinatown naman dito sa Pilipinas, at siguradong magagamit mo yung matututunan mo, lalo na kung gusto mong tumawad kay kabise. Sayang lang ang oras na gugugulin ng estudyante, imbes na mag concentrate sa mas mahalagang subjects , mahahati pa oras nila. To address the job opportunities by Spain, siguro mag open na lang ng tipong vocational school pero Spanish language and pinaka subject. Or mag hire na lang sila ng chabakano, yung mga tiga Zamboanga, broken spanish salita nila. For now better to concentrate na lang muna sa English language other than our own native language. Ayos ba amigo

No comments: