Monday, January 26, 2009

RGA back from Australia

Dumating na pala nitong nakaraang Sabado ang isa nating kaibigan galing Australia, ewan ko lang kung amoy airport pa ito, nagka aberya daw ng konti sa Centennial Airport dahil pumalya ang "hi-tech" na conveyor. Kwento nga ng ating kaibigan, sa Australia daw pag baba mo ng eroplano, naghihintay na sa iyo ang mga bagahe mo, dito raw sa atin, isang oras ka nang nakababa sa eroplano , wala pa yung bagahe. Don't worry, sa tingin ko konting problema lang iyan ang alam kong masusulusyunan ng ating mga Airport personnel. Pasasaan ba at maipagmamalaki din natin sa buong daigdig ang ating Centennial airport

Pero ang isa pang alam ko ay may mga dalang pasalubong itong ating kaibigan , excited na ako, woweee. Tamang tama rin ang pagdating nya sa Chinese New Year, sa chinatown kasi ang baluarte nitong ating kaibigan kaya malamang makatikim din tayo ng tikoy. Mabuhay ka pareng Lino !

Syanga pala, condolence kay Danny Benito. Nabanggit sa kin ng ating bossing Eric na pumanaw na ang ama ni Redford nito ring Sabado. Ang labi ay nakahimlay sa kanilang tahanan sa Sampaloc.

No comments: