Wednesday, January 28, 2009

Spanish Language in High School?

DepEd plans to resurrect Spanish as part of high school curriculum. Back in my college years, i got a total of 12 units for this subject. It was abolished i think in 1990. Pero ngayon, ilan ilan lang ang alam kong Spanish words, makabuo man ako ng sentence, nakapa simple lang like " Buenas dias", "buenas tardes", at iba pang buenas. Pag nagtanong ka ng oras, "Que hora es mi amigo?" Naks, ibig sabihin nyan "what time is it my friend?"

Sa tingin ko, dapat pag isipan pa ng husto ito bago ipatupad. I consider it as junk subject back in my Mapua days, considering ECE ang course ko. And until now ganun pa rin ang tingin ko. Mababaw ang dahilan ng DepEd na 3 to 4 years from now eh ang Spain daw ay mag oopen ng job opportunities, yung tipong pang-call center. Para bang Spain lang ang magiging pag asa natin at kailangan i-introduce pa ang Spanish language sa eskwela, gaano ba kalaki ang Spain? Maigi pa siguro kung gusto rin lang ng DepED na matuto ng ibang language ang mga batang pinoy, yung wika na lang ng Intsik, tutal may Chinatown naman dito sa Pilipinas, at siguradong magagamit mo yung matututunan mo, lalo na kung gusto mong tumawad kay kabise. Sayang lang ang oras na gugugulin ng estudyante, imbes na mag concentrate sa mas mahalagang subjects , mahahati pa oras nila. To address the job opportunities by Spain, siguro mag open na lang ng tipong vocational school pero Spanish language and pinaka subject. Or mag hire na lang sila ng chabakano, yung mga tiga Zamboanga, broken spanish salita nila. For now better to concentrate na lang muna sa English language other than our own native language. Ayos ba amigo

Monday, January 26, 2009

RGA back from Australia

Dumating na pala nitong nakaraang Sabado ang isa nating kaibigan galing Australia, ewan ko lang kung amoy airport pa ito, nagka aberya daw ng konti sa Centennial Airport dahil pumalya ang "hi-tech" na conveyor. Kwento nga ng ating kaibigan, sa Australia daw pag baba mo ng eroplano, naghihintay na sa iyo ang mga bagahe mo, dito raw sa atin, isang oras ka nang nakababa sa eroplano , wala pa yung bagahe. Don't worry, sa tingin ko konting problema lang iyan ang alam kong masusulusyunan ng ating mga Airport personnel. Pasasaan ba at maipagmamalaki din natin sa buong daigdig ang ating Centennial airport

Pero ang isa pang alam ko ay may mga dalang pasalubong itong ating kaibigan , excited na ako, woweee. Tamang tama rin ang pagdating nya sa Chinese New Year, sa chinatown kasi ang baluarte nitong ating kaibigan kaya malamang makatikim din tayo ng tikoy. Mabuhay ka pareng Lino !

Syanga pala, condolence kay Danny Benito. Nabanggit sa kin ng ating bossing Eric na pumanaw na ang ama ni Redford nito ring Sabado. Ang labi ay nakahimlay sa kanilang tahanan sa Sampaloc.

Tuesday, January 20, 2009

NBI clears DoJ officials

Lumabas na findings ng NBI, Arnel Dalumpines, head of the NBI Special Task Force, told reporters on Monday there was “no written or oral” evidence proving “a P50-million bribery of the DoJ.” At ngayon balak pang kasuhan si Maj. Ferdinand Marcelino, ang head ng PDEA ng "obstruction of justice", you cal read the full story on Inquirer.net 1/20/2009

Hay naku, ano pa ba aasahan natin eh under pala ng DoJ ang NBI, ika nga ni Marcelino hindi na nakakagulat ang resulta, iimbistigahan mo bossing mo, come on para namang naglalaro tayo nyan. Hirap dito sa bansa natin, pag mayayaman ang involve, yung baluktot nagiging diretso, ano kaya instead na "Alabang Boys" yung mga nahuli eh mga anak ng pusakal, kriminal at mga no-say sa lipunan, may ganitong issue kaya, "haler, eh di syempre wala", tuloy tuloy sa bilibid yang mga yan. Baka kamukatmukamo eh sa huli, malaya uli yang mga Alabang Boys.

Di na bale, sa Lord naman walang pwedeng itago. Sabi nga ng Bible, you cannot mock God, what you sow, you will reap.