Wednesday, November 3, 2010

Buti na lang under warranty pa

Its' good naitabi ko yung warranty card nung car battery na na-purchase. Last Nov. 1,papuntang Ever memorial gardens sa NLEXpar start ko medyo mahina redondo ng kotse although nag start pa rin sya. The same thing happenned kahapon at kaninang umaga, mahina redondo. Then i cheked the warranty card, using a clear book ,i keep records of items na may warranty period and costing 1K pataas. Ayos! the warranty card says 12 months warranty,and you know what, date of purchase is Nov. 6, 2009. Today is Nov. 3, save by the bell. Nag drop by ako bago pumasok sa office sa dealer ng baterya dyan sa Quezon Ave, malapit sa corner ng Roces St. Syempre-mega check yung technician, at hayun may kumulo sa isang butas ng baterya, im not sure kung may code sa sticker or sa body ng baterya kung kelan na purchase yun pero alam ng technician na under warranty pa, after a while , hiningi na sa kin yung warranty card pati resibo, presto , binigyan ako ng service unit nila at for further checking yung bagterya ko. By the way, ang brand ng baterya ay KAR LIFE, oh di ba tindeh ng dating hehehe, halos mababa sa kalahati ang presyo nito sa motolite. Next week tawag na lang daw ako sa status ng baterya ko. So, mga igan, lagi nyong itatabi ang warranty card at resibo ng anumang bagay na bibilhin nyo, malay nyo sumablay yung item at kung under warranty pa, eh di menos gastos, ano sa tingin nyo?

Wednesday, July 14, 2010

Typhoon Basyang

Maghapong hindi naman umulan ngayon, dumaan lang talaga itong si Typhoon Basyang. Malakas ang hangin simula alas onse kagabi hanggang madaling araw, sige ang pag pagpag ng kapirasong yero ng kapitbahay namin. Ewan ko , parang nagsilbing musika ang ingay ng yero at kami naman ay nakatulog. Nag brownout din, matagal, Metro-wide sya,pero ang inyong abang lingkod ay pumasok sa trabaho kinaumagahan. Nag asses sa areang nasasakupan, ok naman , pero may ilan sa ka-grupo na nagkaron ng major trouble, sa Taguig at sa Makati. Sa awa ng Lord ay naibalik rin sa normal na operasyon bago magpananghali. Overall damage ng bagyo, minimal, hindi masyadong binaha ang metro manila, mangilan ngilang puno ang bumagsak sa kalsada, yun nga lang brownout na matagal. Bandang alas kuwatro, balik na sa commercial power ang opisina.
Hanggang sa muli, at ako'y uuwi na. God bless sa lahat

Monday, July 12, 2010

Balik blog

Buhay pa pala itong blog site na ito, i almost forgot password ko hehehe. Welcome back my amigas y amigos. Sana nga regular akong makapag update dito sa blog site ko. Anyways, san man kayong lupalop naroroon, May the Lord bless you and makes His face shine upon you