Wednesday, July 14, 2010

Typhoon Basyang

Maghapong hindi naman umulan ngayon, dumaan lang talaga itong si Typhoon Basyang. Malakas ang hangin simula alas onse kagabi hanggang madaling araw, sige ang pag pagpag ng kapirasong yero ng kapitbahay namin. Ewan ko , parang nagsilbing musika ang ingay ng yero at kami naman ay nakatulog. Nag brownout din, matagal, Metro-wide sya,pero ang inyong abang lingkod ay pumasok sa trabaho kinaumagahan. Nag asses sa areang nasasakupan, ok naman , pero may ilan sa ka-grupo na nagkaron ng major trouble, sa Taguig at sa Makati. Sa awa ng Lord ay naibalik rin sa normal na operasyon bago magpananghali. Overall damage ng bagyo, minimal, hindi masyadong binaha ang metro manila, mangilan ngilang puno ang bumagsak sa kalsada, yun nga lang brownout na matagal. Bandang alas kuwatro, balik na sa commercial power ang opisina.
Hanggang sa muli, at ako'y uuwi na. God bless sa lahat

No comments: